Frequently Asked Questions
ANO ang Kapamilya Channel at SAAN ito mapapanood?

SAAN PO MAPAPANOOD ANG KAPAMILYA CHANNEL?
Available ang Kapamilya Channel sa cable at satellite TV providers tulad ng Sky, Cable Link, GSAT, Philippine Cable Television Association (PCTA) members at mga cable and satellite operator sa buong bansa.
Maaari rin itong mapanood sa iWant app at iWant.ph live streaming at on-demand.
Para sa mga Kapamilya natin sa ibang bansa, mapapanood ang karamihan sa mga Filipino program ng Kapamilya Channel sa TFC at tfc.tv.
MAPAPANOOD RIN PO BA ITO SA TV PLUS?
Hindi po lahat. Pero may mga ilang programa ng Kapamilya Channel ang mapapanood sa mga channel ng TV Plus.
Ang TV Patrol ay mapapanood din sa Teleradyo at Cinemo sa inyong TV Plus.
Ang FPJ’s Ang Probinsyano ay mapapanood sa Cinemo pagkatapos ng TV Patrol.
* It’s Showtime naman ay mapapanood sa parehong oras sa Jeepney TV.


MAPAPANOOD RIN PO BA ITO SA iWANT?
MAPAPANOOD RIN PO BA ITO SA TFC?
• Mapapanood ito sa iWant app at iWant.ph live streaming at on-demand.
• Hindi po mahuhuli ang mga Pinoy sa ibang bansa na na-miss ang ABS-CBN dahil mapapanood sa TFC cable, satellite, IPTV at sa tfc.tv ang karamihan sa mga Filipino program ng Kapamilya Channel.
PAANO MAKAKAPANOOD ANG MGA WALANG CABLE, SATELLITE TV, AT INTERNET?
Bagama’t ngayon ay hindi lahat ang makakapanood ng Kapamilya Channel, unti-unting hahanapan ng paraan ng ABS-CBN na maihatid ang mga programa sa higit pang nakararaming nagmamahal at nasasabik sa mga paborito nilang pabalas mula sa ABS-CBN.